RSS

Isang Araw Na Walang Pakundangan

22 Apr

(Photo courtesy: Andy Zapata)

Nabubuwang na ata ang administrasyon ng SM Baguio ngayon. Binakuran nila yong likod na veranda ng plywood na napinturahan ng kulay berde para sa kanilang pagpapanggap na maka-kalikasan. Masyadong dikit-dikit yong mga plywood at sobrang taas ng mga bakod kaya wala ka talaga pagkakataon na makita o masilip kung ano ang kaganapan sa likuran ng bakod na ito. At, nahalata nyo ba na bawat palapag, may gwardiya na sa may bakod? Sabi noong kakilala ko, pag sumilip ka raw sa butas ng bakod (kung meron man) ay pipituhan ka ng mga gwardiya; bawal daw. Pero noong nagawa niyang makapuslit, nakita niyang puro mga damo na lang ang natitira.

Sa pagsuporta sa pag-boycott sa SM, natuto na ako magparada ng aking sasakyan sa labas ng mall. Pero siguro pagdating ng tag-ulan, mapipilitan akong magparada sa loob. Sinisikap ko at ginagawan ko ng paraan na hindi na bumili sa pangunahing tindahan ng mall – grocery, department store, mga kaalyadong pamilihan. Kahit man lang sa gaanong paraan, maboycott ko ang mall. Ayon, napipilitan ako lakarin magmula sa labas papasok sa mall at pabalik sa paradahan.

Kaninang pagkatapos ko mag-work-out, napansin ko, maraming naka-ilaw na flourescent bulbs kung saan may mga puno. Naalala ko lang kasi na may TEPO na na-issue yoong huwes. Pero bakit mag-iilaw doon sa may banda ng mga puno kung walang ginagawa sa banda roon? E kung sa parking area nga mismo, pagsapit ng alas-otso pinapatay na yong mga ilaw, sa may puno pa? O baka naman concerned lang ang SM sa mga puno na papatayin  kaya nila iniilawan? Malamig sa gabi, ganyan; parang mga sisiw sa poultry.

(Photo courtesy: http://rappler.com)

Habang papalapit ako sa aking sasakyan, napansin ko, may dalawang pulis na sumisilip sa bintana ng aking sasakyan. Akala ko titiketan nila ako o huhulihin pero lumampas naman sila paglapit ko. Naalala ko, nirorondahan pala nila ang palibot ng SM baka naman may mag-rarally ulit or magtapon ng bomba. Teka teka… e yong mga bahay namin, ninanakawan na at lahat, walang pulis na nagroronda, bakit sa SM, meron? Ano ba yon, ang mga Baguio’s Finest Policemen, bayaran na ba para pangalagaan ang pamunuan ng SM kesa mga mamamayan ng Baguio? Nasa loob ba ng bakuran ng SM ang buong siyudad ng Baguio? Hooong labo nyo naman mga tsong.

Oo nga pala, pag na-earthball/treeball ninyo yong mga puno, saan nyo naman sila itatambak habang ginagawa ninyo yong expansion ng mall? Sa bahay ni Hans Sy? Sa bahay ng mall manager? Sa bahay ni Domogan sampo ng kanyang mga councilor na nagkanulo sa mga mamamayan ng Baguio? or sa DENR secretary?

Kanina, nabalitaan ko, nakakuha na naman ng bagong permit ang SM para halukayin ang mga puno. Pero ito, seryosong tanong: pag na-earthball/treeball nila yong mga puno, saan naman nila ito ilalagak habang ginagawa yoong expansion ng mall? Iuuwi ba ng mga empleyado yong mga puno? Hay peste lang. O ayan, tingnan ninyo na lang ang link na ito para mag-enjoy naman kayo

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on April 22, 2012 in Environment, Personal

 

Tags: , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: