RSS

BAKIT?

03 Mar

Tinanong ko ang sarili ko minsan isang araw. Eto ang naging usapan namin…

Ako: Bakit pag may foreigners na kumanta ng Tagalog, ginagawang balita? Pag ba tayong mga Pinoy, kinanta mga kanta nina Celine Dion, Mariah Carey, binabalita rin ba sa US?

Sarili ko: hindi naman. Pero may tama ka.

Ako: Bakit pag may foreigners na nagguest sa local TV shows, kinakailangan nilang utusan na sabihing “mehal kow kayowng lehat.” Pag ba mga Pinoy nagguest sa US shows, sinasabihan din sila na sabihan mga Americans ng ganon?

Sarili ko: aba malay ko, di naman ako nanood ng foreign talk shows e.

Ako: so, gumaganti ka ganon?

Sarili ko: next question please

Ako: Bakit pag may foreigners na nagpunta sa local beaches, headline na kaagad? Pag ba mga Pinoy nagpunta sa ibang bansa para magbeach, headline din ba sa kanila?

Sarili ko: promotion yan, advertisement… para mahikayat din mga ibang foreigners na pumunta rito. Pang income generation din para sa mga local yan. Ayaw mo nun, may kita ang mga kababayan natin?

Ako: wag lang yong katawan nila ang binebenta nila.

Sarili ko: hoy, dahan dahan ka naman. Wag mo naman lahatin?

Ako: wag ko lahatin? e di umamin ka rin na merong binebenta ang mga katawan sa mga foreign tourists?

Sarili ko: my lips are sealed… sometimes.

Ako: Bakit pag mga foreigners, ang gagalang ng mga Pinoy sa kanila? Samantalang pag mga kapwa Pinoy, kulang na lang murahin?

Sarili ko: Napansin mo rin? oo nga, maririnig mo mga kapwa Pinoy tawagin kaibigan nila “bakla, anjan ka na pala!” “ulikba, tumakbo ka na pala para maging senador?” “Ursula, stripes na naman ang suot mo sa TV guesting mo, wala ka na ibang fashion concept?”

Ako: Sinong Ursula?

Sarili ko: Ursula, di mo kilala? Yong kalaban ni Ariel sa Little Mermaid, duh?

Ako: ahhhh, yong mahilig magsawsaw sa mga national issues at umiiyak pa pag may TV coverage or guesting?

Sarili ko: at pag may bagyo, laging sinisisi ang pagboto sa RH Bill na dahilan ng sakuna?

Ako: na tinawag yong isang executive secretary na brat

Sarili ko: na sabi ay sumusunod daw siya sa tuwid na daan

Ako: na sinabihan ng Palasyo na nagpapanggap kaanib ng administrasyon

Sarili ko: na sinabihan din ng isang senador na sumasakay lang sa pangalan ng asawa at hindi tunay

Ako: na nung nangampanya na ay inatake na naman ang administrayon. Bwahahaha

Sarili ko: bakit parang tayo si sitsiritsit at alibangbang ng batibot

Ako: naabutan mo yong palabas na yon?

Sarili ko: ‘tah ka!

Ako: Bakit pag foreign celebrities sinuot ang gown na gawa ng Pinoy designers, headline na kaagad? E pag Pinoy celebrities ba nagsuot ng foreign designs, balita rin ba sa kanila yon?

Sarili ko: hindi pero parang promotion na rin yon. Pag nabalitaan ng kanilang fans na si ganitong celebrity, baka tangkilikin din ng kanilang fans yong mga gawang Pinoy.

Ako: E bakit noong Si Rob Schneider, sinuot sa kanyang pelikula yong t-shirt na may tatak “Baguio Midland Courier?”

Sarili ko: ows, talaga, may sinuot siyang ganong t-shirt?

Ako: kita mo to, palibhasa di mo nga alam kasi hindi binalita. Oo no, tiga-Baguio ang nanay niya. Palibhasa di masyado sikat kaya di na binabalita.

Sarili ko: o sige, peash na tayo noh? ang shaya saya sha Pinash!

Ako: O bakit naiba ang pananalita mo, ginagaya mo si…

Sarili ko: hindi ako nakakulong noh? Kaya hindi ko siya ginagaya.

Ako: Bakit pag mag-abroad ang mga Pinoy sa ibang bansa, kailangang TESDA certified yong mga gumagawa ng menial jobs/manual labors? Bakit yong sarili nating mga building di natin nirerequire na TESDA certified ang mga empleyado?

Sarili ko: yon na nga rin ang kinakalungkot ko. Kaya tuloy, ayon, marupok, madali masira. Walang nagtatagal. Pero di naman sa lahat ng pagkakataon. Kagaya sa kalsada papunta sa amin. Last year, sinemento. Ngayon, binungkal, papalitan ng manipis na manipis na aspalto. At least, laging may kabuhayang na-gegenerate para sa mga kababayan natin no?

Ako: ulol! naisahan ka na naman ng mga politiko sa lugar nyo. Yong pag-aaspalto ng kalsada sa inyo, may kickback na naman mga politiko nyo sa kanilang mga contractors.

Sarili ko: Sobra ka namang mang-akusa. Bakit naman ganon ang sinasabi mo tungkol sa mga politiko namin?

Ako: E kasi, yong kongkretong kalsada nyo, pwede magtagal ng 20 taon o mas mahigit yon bago kailangang i-repair. Pero ginagawa nilang taon-taon para may panggagamitan ng kanilang PDAF, para may kickback sila.

Sarili ko: Ikaw naman, concerned lang naman sila sa mga kababayan natin. O di ba, pag binigyan sila ng trabaho, sasabihin ng mga politiko na kung di dahil sa kanila, wala silang trabaho.

Ako: yon ang tinatawag na EPAL.

Sarili ko: Ano yong epal? Yon ba yong maglalagay ka ng picture mo sa box ng buko pie?

Ako: tarantado ka, baka mabasa niya to, aawayin na naman ako non.

Sarili ko: o sige, next topic na. Pero, ano yong PDAF? Di ba yon yong laging bukambibig ni Mitos Magsawsaw?

Ako: hay salamat, paminsan-minsan may talino ka rin palang tinatago.

Ako: Bakit may mga EXPORT quality na mga manga, saging? Bakit yong hindi export quality ang binebenta para sa ating mga local?

Sarili ko: oo nga e. E yong mga foreigners na yon, mga malulusog na. Samantalang yong anak ni farmer na namitas ng mga bunga, malnourished na malnourished. Di ba parang ironic?

Ako: Uma-Alanis Morisette ka? pa-iro-ironic ka pa dyan?

Sarili ko: kasi naalala ko yong pinuno ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita, sabi niya, pag konti na lang daw ang mga bata, sino raw ang makakatulong nila sa pagsasaka? E malnourish na nga at di nakapag-aral, tapos ang kakainin pa nila yong mga bulok na tira-tira tapos yong mga masusustansiyang prutas, ine-export.

Ako: andami mo namang siningit na isyu sa tanong ko.

Sarili ko: E pano, nakita naman ng buong bansa at mundo ang naging epekto ng hindi nakapag-aral.

Ako: Na naging politiko?

Sarili ko: na nagsabing “PICHA PIE”

Ako: na may asawang nagtangkang magpuslit ng malaking halaga ng US dollars

Sarili ko: na saan naman nila nakuha o kinita?

Ako: baka sa mga franchise ng chicharon nila

Sarili ko: kanila ba yon?

Ako: malay ko, kapangalan e.

Sarili ko: at yong politikong nangongopya na hindi raw nangongopya

Ako: na ang misyon daw niyang galing sa Diyos ay ang pigilan ang pagpasa ng RH Law

Sarili ko: na nagkaroon daw ng anak na may sakit ng puso at dahil yon sa kakainom ng asawa ng Diane

Ako: na namatay daw ang anak bandang 1975

Sarili ko: pero ang Diane ay lumabas lang sa market noong 1978

Ako: at hindi na niya yon nakontra, huli sa sariling bibig. At kinatigan ng senate president

Sarili ko: na nagpamudmod ng milyones sa mga kaalyansa noong pasko. Ang shaya shaya!

Ako: at nagsoli ng biscuit sa kalabang senador.

Sarili ko: na nagsabing ang lakas daw ng putok niya!

Ako: na iimbestigahan ng mas batang senador na anak ng dating partner niya sa law firm

Sarili ko: na sinisingil dahil sa milyones na utang ang sa mga tablang ginamit daw sa pagpapatayo ng bahay.

Ako: (di ba galing sa illegal logging yong mga tablang yon?) na kinampihan ng isang senador at sinabihan si babaeng senador na ginamit daw ang pera ng bayan mangupahan ng sariling building, maggrocery, magpasweldo ng secretary at parang may issue pa ng sabong

Sarili ko: na sinabihan si lalaking maputak na isa siyang bading!

Ako: o di ba, may nabasa ako blind item tungkol diyan?

Sarili ko: ano yong blind item? San mo nabasa yan?

Ako: ayoko na, pag sinabi ko yong blog, baka mapahamak yong nagsulat, baka ma-rub out ako

Sarili ko: gago, mag-isa ka lang, paano magiging rub-out yon.

Ako: oo nga no, pero teka, dami nang buntot yon iisa kong tanong.

Ako: Bakit yong mga drug mules, alam na nga nilang bawal ang maging drug couriers, pero ginagawa pa rin nila. Pag nahuli at nabitay, hihingi ng tulong sa pamahalaan. Biro mo, milyones din ang nagagastos ng taumbayan para lang pauwiin sila, or paliparin yong mga kamag-anak sa abroad.

Sarili ko: baka para kunwari may ginagawa ang bise presidente. O pag may trabaho siya, may gagawin din yong kanyang executive assistant.

Ako: na tatakbong senador

Sarili ko: na tuturuan daw ng tatay pag nanalo, sabi ng kapatid na mayor.

Ako: nalintikan na! Oi, in fernes, may alam ka sa current events! Apir!

Sarili ko: ulol, katawan kita, naturalesa alam ko rin yong mga alam mo. Ang saya mo palang kausap no? Di kaya pagkamalan tayong sira-ulo natin, iisa lang tayo pero nag-uusap.

Ako: kaya nga itigil muna natin ito. Hanggang sa susunod. Baka mabaril na tayo nito. Babu!

this blog has been “hecklerized.” yes, I was inspired by @hecklerforever

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on March 3, 2013 in Personal

 

Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: