RSS

Good News, Bad News

18 Mar

Good News: In love kaming dalawa.

Bad News: In love ako sa kanya, in love siya sa iba.

Good News: Sharon Cuneta, nanahimik sa social media after ng new year’s greetings niya.

Bad News: Wala na siyang TV show.

Good News: Kaanib ng LGTB is Risa Hontiveros. “Wag mashokot, maki-warla!”

Bad News: Kumanta sila ni PNoy sa kanyang TV ad.

Good News: Cynthia Villar, nagsorry na sa mga nurses.

Bad News: Nasa top 12 pa rin siya.

Good News: Sabi ni Pope Francis: “do not condemn.”

Bad News: Nagkalat na ang Team Patay tarpaulins hanggang Baguio Cathedral.

Good News: Nancy Binay nag-alok ng dinner sa mga kasabayang Team PNoy na nangampanya sa Baguio.

Bad News: walang kumagat sa offer (baka di siya nakita).

Good News: bababa ang singil ng kuryente

Bad News: nek nek mo. Summer na. Mas malaki konsumo mo ng kuryente sa electric fan at air conditioner.

Good News: KC Concepcion, naka-move on na sa break up nila ni Piolo P.

Bad News: break na sila ng kanyang French boyfriend.

Good News: Lito Lapid, may bagong teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang “Little Champ.”

Bad News: senador pa natin siya.

Good News: Team Una nilangaw ang sortie sa Baguio, less than 1% ng city population ang dumalo.

Bad News: Ganon din ang Team PNoy.

Good News: Mabenta pa rin ang political jokes ni Erap.

Bad News: buti na lang, di siya candidate ng national post. bleh!

Good News: Implementing Rules and Regulation ng RH Law, pirmado na!

Bad News: Kaso, Supreme Court, naglabas ng status quo ante order. ano daw?

Good News: Maliksi, pinapaalis ng Supreme Court at ng COMELEC sa pwesto.

Bad News: kaso, ayaw pa ring umalis e.

Bad News: Team ni Jack Enrile, tinambangan habang papunta sa Tagum City.

Good News: wala raw nasaktan. (deja vu? staged?)

I am on Twitter too: @simply_clinton

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on March 18, 2013 in Politics

 

Tags: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: